Pagbabalangkas at Sanaysay
BALANGKAS
Thesis Statement:
Ang layunin ng paksang ito ay
patungkol sa “Epekto ng Nuclear Radiation sa paningin”
Pamagat:
Dulot ng Radiation sa paningin
I.
Epekto
ng radiation sa paningin
A. Malabo
o kulimlim na Paningin
B. Maaring
magkaroon ng “Basal cell carcinoma” o “Squamous cell carcinoma”
II.
Sanhi
at Bunga ng radiation sa paningin
A.
Mga
Sanhi ng Radiation
1. Labis
na pagbabad/paggamit ng gadgets sa mata
2. Pagsabog
ng Nukleyar na Bomba
3. Ma
expose sa radisyon ng UV
B.
Mga
Bunga sa Radiation
1. Maaring
magkaroon ng kanser sa balat ng mata
2. Maaring
magkaroon ng Myopia (Nearsighted)
3. Maaring
matuluyang mabulag ang mata
III.
Solusyon
sa pag iwas sa epekto ng nuclear radiation sa paningin
·
Iwasan ang malimit na pag gamit ng
gadgets
·
Magsuot ng salamin na nakaka kontra sa
HEV (Blue light)
SANAYSAY
Bahagi
na ng ating buhay ang radisyon. Ang pangunahing pinagmumulan ng mga natural na
mineral na pumapalibot sa atin parati at ito ay ang tinatawag na background radisyon.
Ang radisyon ay nakakapagdulot ng malabo o makulimlim na paningin. Ayon sa isa
doktor sa mata maaari din na magkaroon
ng basal cell carcimona o squamous cell carcimona na epekto ng radiation (Allan, 2021). Sa kabilang banda may
mga ilan na may situwasyon na kung saan ang isang pangkaraniwang tao ay
nalalantad sa mga di makontrol na pinagmumulan ng mga radisyon na nahihigit sa
background. Magaling na maghanda at alamin kung ano ang mga dapat gawin kung maganap
ang nasabing situwasyon (Epa, 2010).
Ang
mga teknolohikal na pag-unlad gaya ng mga mobile phone ay ginagawang mas madali
at mas mabilis ang ating mga pang-araw-araw na gawain. Ang Mobile ay may
maraming papel na ginagampanan upang mapadali ang komunikasyon at trabaho.
Ngunit sa kabilang banda, may mga ilan din na mga epekto, ito ay isang katotohanan
tungkol sa mga panganib ng radisyon ng cellphone. Gayunpaman, ang mga panganib
ng radisyon ng HP na maaaring maging sanhi ng higit at higit pang mga panganib
sa kalusugan dahil sa sobrang pagbabad o paggamit ng gadgets sa mata. Ang radisyon
mula sa araw o labis na paggamit ng mga phone or kompyuter ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng mata. Isa
pa sa sanhi ng radiation ay ang pagsabog ng nukleyar na bomba at dahil sa
masama epekto ng kemikal ng bomba maaaring maapektuhan ang kalusugan ng tao at di
malayo pati na rin ang paningin ng tao ay madamay. Isa pa sa labis na
nakakapinsalang epekto ay UV radisyon, ang pagkababad sa uv rays ay maaaring
magdulot ng matinding pagkasira sa ating mga mata. Ang mga sumusunod na
halimbawa ng mga karamdaman dulot ng pagkakababad sa uv radisyon ay ang pagkakaroon
ng katarata. Ito ay isang karamdaman na
ang lente ng mga mata ay nawawalan ng kinang na nagreresulta sa pagkasira ng paningin
kapag hindi naaagapan (Epa, 2011).
Sa
bunga ng radisyon maaaring magkaroon ng kanser sa balat ng mata ang tao labis
na nabababad sa radisyon. Ang isa halimbawa ng kanser sa mata ay ang tinatawag
na adnexal kanser na nakakaapekto sa straktura ng aksesoridad ng eyeball. Ang
mga talukap ng mata at tear glands ay mga halimbawa ng mga ito. Isa pa
halimbawa ng kanser sa mata ay ang okular melanoma, ito naman ay pangkaraniwang
kanser na nagsisimula sa mata ng may edad na at maaaring mabuo sa mata, tulad
ng pagkabuo nito sa balat (Kitsune,
2022). Sumunod na bunga ng radisyon ay ang panlalabo ng dalawang mata at
tinatawag na pagkakaroon ng myopia o nearsightedness sa wikang ingles. Ito ay
ang pinaka-karaniwang sakit sa lente ng mata na nagiging dahilan ng panlalabo
ng paningin dulot ng labis na pagkababad sa radisyon (J. Margallo, 2022).
Kailangan
natin protektahan ang mga mata mula sa radisyon na gamit ang salamin na may
anti- radisyon. Samakatuwid, mahalagang gumamit ng mga salamin na may
anti-radisyon upang maprotektahan ang ating mga mata (2022). Ang uri ng mga salamin ngayon ay hindi lamang para sa may
mga grado, dahil nakakatulong na din ito at nagsisilbing pangprotekta sa UV
radisyon at blue light. Paglalabas naman tayo ng bahay at tirik ang araw puwede
rin naman gumamit ng 'transition lenses' upang awtomatiko nitong mababago ang
UV ng aktibasyon ng lente (J. Dy, 2017). Bilang isang manunulat
ang maiipayo ko ay iwasan ang madalas na pagkababad sa paggamit ng gadgets
magkaroon ng limitasyon at disiplina sa sarili sa paggamit nito at gumamit ng
blue control na lente o blue light para maprotektahan ang iyo mata sa pag gamit
ng cellphone o kompyuter.
Mga
Sanggunian:
Allan.
(2021). Ganito kadelikado sa mata ang radiation.
Pagpoprotekta
sa Inyong Sarili mula sa Radiation. (2010).
Ito
ang panganib ng nuclear radiation sa kalusugan. (2022).
Pangagalaga
n gating mga mata at balat sa labis na pagkakahantad sa araw. (Marso, 2011).
Kitsune.
(2022). The eye news: Ano ang kanser sa mata?
J.M.
(2022). Panlalabo ng Mata: Mga Sanhi at Gamot.
J.D.
(2017). Abscbn news: “ALAMIN: Paano ang tamang pangangalaga ng mata.”
Comments
Post a Comment