Tekstong Argumentatibo
BALANGKAS
Thesis
Statement: Ang layunin ng paksang ito ay patungkol sa “bakit
tayo naghihirap? dahil sa oposisyon na galit sa administrasyon o dahil sa
administrasyon?”
Pamagat: Kahirapan
ng pilipinas dahil sa administrasyon
I.
Epekto ng kahirapan sa tao
A. Pagkukulang sa pagkain
B. Pagbaba ng ekonomiya
II.
Sanhi at Bunga ng kahirapan
A. Mga
sanhi ng kahirapan
1.Mababang antas ng
edukasyon
2.Korapsyon
B. Mga
bunga ng kahirapan
1. Walang sapat na
edukasyon
2. Kawalan ng mga
pangunahing pangangailangan
III.
Solusyon upang malutas ang kahirapan
1. Pagbibigay
ng sapat na edukasyon
2. Pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho
Tekstong
Argumentatibo
Tayo
ay nasa modernong panahon ngayon kung saan halos lahat ng bagay ay may
kaugnayan sa teknolohiya. Kung mapagmamasdan mo ang dami ng iba-ibang matataas
na gusali, lalo na pag dumayo ka sa Maynila, kaliwa't kanan makakakita ka ng
mga gusali na matatayog. Habang lumilipas ang panahon napagtanto mo ba na
talaga bang tumataas ang ating ekonomiya? Mga kapwa mong Pilipino lahat ba ay
namumuhay ng maginhawa? Nakakain ba lahat ng tatlong beses sa isang araw? Ilan
lang yan sa katanungan na naiisip ko, sa kabilang ng mga nabanggit kong pag
usbong ng pagtaas ng ating ekonomiya may mga tao pa din na patuloy namumuhay na
mahirap at kung tawagin pa nga ay "isang kahig isang tukha”, sila ang mga
kababayan natin na naghihirap. May mga ahensya naman ang ating bansa na
tumutulong sa mga mahihirap, ngunit bakit ganun ang iba sakanila ay patuloy pa
din na naghihirap? Dahil ba ito sa mga taong gahaman at may galit sa
administrasyon o dahil na mismo sa administrasyon? Para sa akin ang mga sapat
na benepisyo sa bawat isa ay dapat tamang maibigay lalo na sa mga mahihirap
kong kababayan, labis akong nanlulumo sa tuwing nakakakita ng mga matatandang
naghihirap o naghihikahos sa buhay. Halimbawa na lamang din ang mga magsasaka
ang ilan sa kanila ay kayod kalabaw pero patuloy pa din na dinadaya ng ibang
tao o ahensya ng adminstrasyon, sinasamantala nila ang mga magsasaka na mababa
ang pinagaralan. Mga nasa mataas na posisyon ngunit ang iniisip lamang ay ang
kanilang sariling kaginhawaan at kailanman hindi makabubuti sa ating bansa ang
panglalamang sa kapwa. Pilit na kumakayod, nagtrabaho ng malinis, at may
prinsipyo ang aking mga kababayan ngunit ano ang ginagawa ng mga kurakot na
administrasyon. Nagnanakaw at ninanakaw ang pera ng bayan, napakabulok na
sistema na dapat ay baguhin na.
Ang
mga nagiging sanhi ng kahirapan una ay dahil sa korapsyon o pagnanakaw ng
adminstrasyon na dapat ay napupunta at napakikinabangan ng taong bayan. Gaya ng
impluwensya ng mga dayuhan dito sa bansa nadidiktahan ang gobyerno na kontrolin
ang buhay ng mga tao lalo na ang mga taong salat sa kahirapan (Sandwich, 2019).
Dahil sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno hindi na nabibigyan ng sapat na
atensyon ang mga mahihirap na tao. Sa halip na napupunta ito sa tamang kaukulan
ang kabuuan ng pondong nakalaan para sa mga proyekto na pangtulong upang malutas
ang lumalalang kahirapan at ibang problema dito sa bansa, ay ibinubulsa ito ng
mga tiwaling opisyal ng gobyerno para sa kanilang sariling interes. Dahil rin
sa korapsyon ang mga mahirap ay lalong naghihirap at ang mga mayaman ay lalong
yumayaman (2022). Sumunod na sanhi ay dahil sa mababang antas ng
edukasyon. Edukasyon talaga ang problema ng kahirapan at ang tangi
makakapagayos ng problema sa edukasyon ay ang mga nasa administrasyon. Gawing
para sa lahat ang edukasyon, disiplinahin ng tama ang mga bata at turuan ng
magandang asal dahil dito maguugat ang lahat. Kung maayos ang pamamalakad ng
lider sa bansa at nagiging mabuti halimbawa ito sa lahat, ito rin ang kanilang tutularan
sabi nga ng marami, “kung maganda ang itatanim siguradong maganda rin ang
aanihin” (J.Bena, 2020).
Dahil
sa walang sapat na edukasyon nagbubunga ito ng kahirapan. Mahirap ang wala
pinagaralan lalo na sa panahon ngayon sapagkat maraming tao ang nangmamaliit
kapag wala ka napapatunayan o maipagmamalaki. May mga libre na paaralan ngayon
ngunit ito ba ay para sa lahat o para sa iilan lamang? Kahit na libre ang
pag-aaral ngayon may mga bata na mas pinipli na kumayod para matustusan ang
kanila pangangailangan. Kinakailangan nila tumulong sa kani-kanilang mga
pamilya upang may pagkain sila sa pang-araw araw. Kung kayat sinasabi nila na
minsan hindi opsyon ang edukasyon sa nakakaarami. Sinasabi din na “Karapatan
ang edukasyon pero sa mundo nating ito, isang daan at dalawamput isa (121)
milyon na bata ang hindi nagaaral at dahil ito sa kahirapan” (Lazaro, 2010).
Isa pa sa nagiging bunga ng kahirapan ay kawalan ng mga pangunahing
pangangailangan kabilang dito ay ang mga kakulangan sa pera, kawalan ng maayos
na tirahan, kawalan ng trabaho at iba pang nararanasan ng isang mahirap na tao.
Ang kahirapan ay hindi ginusto o pinili ng isang mahirap. Walang magiging
mahirap kung ang ating gobyerno ay tapat sa kanila serbisyo at tungkulin. Kung
patas ang pagtrato ng mga opisyal sa mga taong bayan hindi na magiging problema
ang kahirapan sa bansa ito (Kritik, 2020).
Kaya
para sa akin ang administrasyon na mismo ang dahilan kung bakit ang iba sa atin
ay naghihirap at patuloy na naghihikahos sa buhay. Para masolusyunan ito
magbigay ng sapat o libreng edukasyon para sa lahat dahil naniniwala ako na ito
ang magiging pag-asa ng pilipinas upang umunlad. Kung ang lahat ay may sapat na
edukasyon maaaring magkaroon tayo ng magandang trabaho na makakatulong para
matustusan ang pang-araw araw natin pangangailangan. Kaya naman dapat magbigay
ng sapat na edukasyon ang opisyal para sa lahat, mayaman man o mahirap maging
patas. Isa pa na makakatulong upang masolusyunan ang kahirapan ay ang
pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho ang bawat mamamayan upang maslumago
ang ekonomiya ng ating bansa. Wag natin baliwalain ang mga tao mahirap dahil
ang bawat tao ay may kanya kanya kakayahan.
Mga
Sanggunian:
M.A. Pascual. (2018). Ang Mga Sanhi ng Kahirapan sa
Pilipinas. Ang
Mga Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas | by Mary Andrei Pascual | Medium
Ang mga epekto ng kahirapan-Mga agham panlipunan-(2022). ANG MGA EPEKTO NG
KAHIRAPAN - MGA AGHAM PANLIPUNAN - 2022 (fusedlearning.com)
J.Bena. (2020). MGA
DAHILAN KUNG BAKIT - ✎ NAGHIHIRAP ANG PILIPINAS -
Wattpad
H.S. (2019). Kahirapan ng Pilipinas. Kahirapan
– Kahirapan ng Pilipinas (wordpress.com)
Sanhi ng kahirapan. (2022). Sanhi
ng Kahirapan - Intro: Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng
isang tao na - StuDocu
Kritik. (2020). Ang problema sa kahirapan ay bunga ng sistema. ANG PROBLEMA SA KAHIRAPAN AY BUNGA NG SISTEMA – Kritik PH (wordpress.com)
Comments
Post a Comment