Tekstong Impormatibo

 

Paniniwala ng kabataan ukol sa nagdaan eleksyon

Bilang isang kabataan ang tungkulin natin sa ating lipunan, unang una nasa wastong edad na tayo para makapagdesisyon para sa ating sarili, nauunawaan na natin ang tama at mali. Lalo na sa mga nagdaang eleksyon, kasama tayong mga kabataan na bumoto sa ninais nating magiging lider ng ating bansa. Nitong ika-9 ng Mayo taon 2022 ginanap ang eleksyon 2022, ito ang aking pangalawang beses na bumoto at para sa akin ito ang pinakamahusay na eleksyon na nasaksihan ko. Madaming mga kabataan ang nanindigan sa kanilang paniniwala, bawat isa may napupusuan na kandidato, lalo na sa pagkapangulo iba’t ibang personalidad ang naging matunog bansang ito. Sa aking nasaksihan tunay na nakakamangha ang daming mga tao nagsisigawan ng pangalan ng kanilang napiling kandidato. Isa nadin ako sa mga kabataang nanindigan at naniniwala ako na kailan man hindi ko pinagsisihan ang mga taong binoto ko dahil naniniwala ako sila ang karapatdapat para sa napipiling pwesto.

Eleksyon isang salita ngunit madaming kahulugan, para sa akin bilang isang kabataang mamayang Pilipino ito ang pinakaisa sa importante sa isang bansa ang pagpili ng mga tao at ahensya na mamumuno sa ating lipunan. Kaya ako bilang isang kabataan hindi lang dapat basta ka boboto marapatin mong kilalanin ang mga taong pipiliin mo at alam mo mismo sa sarili mo na karapadapat ang iyong napili sa pwestong kalalagyan nito. Ako ay isang ordinayong kabataan na naghahangad ng magandang kinabukasan para sa aking sarili, pamilya, at para sa buong bansa. Naniniwala ako na kami mga kabataan ay ang magsisilbi instrumento para sa pagmulat ng mga taong bayan sa katotohanan at alam natin na mahalaga ang bawat boto kaya naman hindi natin dapat sayangin ito. Ang bawat kabataan ay may kanya kanyang paniniwala na maaaring maging kapakipakinabang o mag udyok sa kapahamakan at wala tigil na paghihirap at mga hinaing sa loob ng anim ng taon. Sa desisyon ng bawat isa sa atin nakasalalay kung sino ang susunod na magiging lider ng ating bansa.

Bilang isang ordinaryong kabataan ang aking nais ay kapayapaan, ang tanging hangad ko ay manghikayat sa kapwa kong mga kabataan na tulong-tulong tayong na maging instrumento ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtanggap kung sino ang maiideklara na mga bago opisyal. Respetuhin natin ang resulta ng botohan o kaya naman kausapin natin mga kabataan ang mga nakakatanda na may respeto at malawak na pang-unawa upang maunawaan nila ang layunin na nais natin iparating. Bigyan natin ng pagkakataon na makagawa ng maayos o mabuti ang mga bago opisyal na uupo. Wag natin hayaan masira ang Samahan ng bawat isa dahil lamang sa iba iba tayo ng paniniwala.

Comments

Popular posts from this blog

Pagbabalangkas at Sanaysay

Tekstong Argumentatibo